Transport groups himirit ng fare increase

BUNSOD ng panibagong oil price hike na ipinatupad ngayong araw, Setyembre 9, humihirit na ngayon ng provisional fare increase ang ilang transport groups.

Piso ang hinihinging provisional fare hike ng 1-Utak Partylist Group na pareho lamang sa petition for fare increase na inihain ng grupong ACTO sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB).

Iginiit ng 1-Utak na maliban sa mahal na halaga ng langis ay mataas na rin ang presyo ng spare parts at multa nila sa iba’t-ibang violations.

Nanindigan naman ang grupong ACTO sa gagawin nila ang malawakang tigil pasada ngayong buwan bunga ng serye ng oil price increase.

Samantala, tiniyak ng LTFRB na bukas sila sa anumang petisyon ng transport sector sa pagtataas ng singil sa pasahe.

Samantala nagpatupad ng ikalawang bugso ng oil price hike ngayong linggo ang mga kumpanya ng langis.

Epektibo kaninang 12:00 ng hatinggabi dinagdagdan ng Shell at PTT Philippines ng 70 sentimo ang kada litro ng kanilang gasoline habang 25 sentimo sa bawat litro ng diesel at kerosene.

Sumunod naman ang kumpanyang Total at Seaoil ngayong alas-6:00 ng umaga sa kahalintulad na oil price increase.

Mas mataas naman ang isinalyang Oil Price Increase ng Petron at pinatawan nito ang P1. 60 ang kada litro ng kanilang gasolina at 95 sentimo sa bawat litro ng diesel at kerosene.

Mas malaki ang price adjustment ng Petron sa kanilang produktong petrolyo dahil hindi ito sumabay sa unang busgo ng oil price increase ngayong linggo.

Muling ikinatwiran ng mga kumpanya ng langis sa panibagong oil price increase ang mataas na halaga ng langis sa world market. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply