Transport groups pupulungin ni PNoy

MALAKI ang posibilidad na magkaharap at magkausap sina Pangulong Benigno Aquino III at mga lider ng transport groups na pumalag sa panibagong pagtaas ng presyo ng langis.

Sa katunayan, ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, tinitingnan na ng Malakanyang kung ano ang magiging schedule ni Pangulong Aquino sa susunod na linggo upang makausap ng personal ang mga lider ng transport groups.

Sinabi ni Valte na nais ni Pangulong Aquino na personal na marinig mula sa transport groups ang kanilang mga karaingan kaya’t kahit hindi na dapat na kasama ang Pangulo sa pulong ay makikiisa siya sa dayalogo.

“Nakikita naman po natin kasi na tuloy po ‘yung pagtaas at gusto po nating makita kung ano po ‘yung pwede nating gawin. Primarily, apektado po dito—baka po sabihin ng iba bakit hindi po ‘yung riding public. But kung transport groups po kasi katulad po ng ginawa po natin doon sa pantawid pasada, naaabutan po kasi ‘yung pagtaas ng presyo which affects the riding public,” aniya pa rin.

Samantala, hindi naman sinang-ayunan ng Malakanyang ang hirit ng transport group na pagbigyan ang nais na ikasang provisional increase sa pasahe habang hindi pa nagsisimula ang dayalogo sa pagitan nila at ng Pangulo.

“Well, hopefully they can take that, they will take that up with the President kapag nakapag-pulong na po sila,” ani Valte.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply