Transportasyon sa Butuan 90 porsiyentong paralisado

PARALISADO ang may 80 porsyento hanggang 90 porsiyentong takbo ng transportasyon sa lungsod ng Butuan at kalapit na mga lalawigan sa paglulunsad nila ng transport strike bilang pakikiisa sa nationwide transport holiday na pinangungunahan ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper ang Opereytor Nationwide (PISTON).

Nabatid kay Avel Javier, tagapagsalita ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN-Caraga), nakikibahagi sila sa tigil-pasada sa pamamagitan ng kilos-protesta kasama ang iba pang mga progresibong grupo bilang suporta sa sektor ng transportasyon.

Panawagan ng grupo na madinig ng pamahalaan ang kanilang hiling na ibasura na ang Oil Deregulation Law at upang ibigay ng mga kompaniya ng langis ang P9 na bigtime rollback sa kanilang mga overpriced na produktong petrolyo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply