Trashslide

ANG RA 9003 Act of 2000 ay batas na nilabag ng lokal na pamahalaan ng Baguio City ayon kay presidential on environment protection Neric Acosta.

Ayon kay Acosta, paulit-ulit nang binigyan ng babala ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pamunuan ng lungsod tungkol sa patuloy na pag-ooperate ng Open Dumpsite sa Irisan ngunit binalewala lamang ng mga opisyal ng Baguio.

Bagay na pinabulaanan naman ng Baguio City Mayor na si Mauricio Domogan.

Ayon sa alkalde, ang naganap na pagguho ng Irisan dumpsite ay hindi sanhi ng kapabayaan kundi dahil sa malakas na pag-ulan na dulot ng bagyong Mina.

Sinabi pa ng punong-bayan na hindi na maituturing na open dumpsite ang Irisan dahil matagal na itong ‘controlled dumpsite.’

Inanyayahan pa ng alkalde si Acosta na bumisita sa Baguio upang masaksihan na ang lungsod ay may maayos na garbage collection system. Ipinaiiral din sa lungsod ang ‘waste segregation’ at regular na pangongolekta ng basura.

Bagamat inamin din ni Domogan na may ilang mga residente na hindi sumusunod sa waste segregation policy dahil sa kulang ang mga ito sa disiplina.

Noong hindi pa nagaganap ang trashslide, nilabag din ng pamahalaang lungsod ang Article 3 Section 24 ng RA 9003 na dapat ay mayroong magkahiwalay na garbage trucks para sa mga nabubulok at hindi nabubulok na basura. Walang ganung transportasyon hanggang sa nangyari nga ang trashslide at sa kasalukuyan ay mayroon nang mga trak na nagongolekta ng magkahiwalay na mga basura.

Dahil sa naganap na trashslide sa Irisan noong Agosto 27, limang buhay ang nawala kasama ang dalawang inosenteng bata. Maraming kabahayan ang nasira at kabuhayang naapektuhan. Kung kaya naman ang mga taga-Baguio ay nagtulong-tulong upang muling maiangat ang reputasyon ng Lungsod sa pamamagitan ng boluntaryong paglilinis sa lugar na nasalanta.

Marami na ring panawagan mula sa iba’t ibang environmentalist group sa Baguio tulad ng Makamundo Movement (pro-earth) na nangunguna sa adbokasiyang ibalik ang muling paggamit ng ‘bayong’ at iwasan na ang paggamit ng plastic bag upang hindi na madagdagan ang mga basura sa lungsod.

Marahil ay panahon na rin upang pag-ukulan ng pansin ng pamunuan ng Baguio City ang kaligtasan at kalusugan ng kanilang mga garbage collector.

Ayon kasi sa batas, dapat ay may sapat na pagsasanay ang mga taong nasa likod ng pangongolekta ng ating mga basura.

Upang magampanan nila ng wasto at maayos ang kanilang tungkulin, dapat din ay mayroon silang suplay ng gloves at facial mask upang proteksyon laban sa sakit.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply