Travel ban sa Tripoli pinaaalis na sa gobyerno

PINATATANGGAL na sa pamahalaan ang ikinasang travel ban sa Tripoli, Libya.

Ito ang hiniling ni Father Celso Laraccas, assistant parish priest ng St. Francis Parish, dahil naghihirap umano at walang trabaho ang may 10,000 overseas Filipino worker na inilikas mula sa Tripoli.

Sinabi pa ng pari, hindi natupad ng gobyerno ang ipinangakong alternatibong trabaho nang pauwiin ang mga OFW mula Libya nang magkaroon ng kaguluhan at giyera doon.

“Hinihiling natin sa gobyerno na sana ay tanggalin ang travel ban dahil matagal nang naghihirap ang mga umuwing manggagawa dito sa Pilipinas dahil wala naman po silang makuhang trabaho dito at sayang naman ang kinikita nila doon na mga 2,000 hanggang 3,000 dollars a month. Yung pangako po ng gobyerno dito na bibigyan sila ng trabaho ay hindi naman natupad,” pahayag ni Fr. Laraccas sa panayam ng church-run Radio Veritas

Ani Fr. Laraccas, ligtas nang bumalik sa Libya ang mga OFW dahil tapos na ang kaguluhan at wala ng tensyon sa seguridad doon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply