Tricycle driver pinagbabaril

TODAS agad ang isang tricycle driver matapos na malapitang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin habang nasakay ng isang motorsiklo Miyerkules ng madaling araw, Setyembre 7, sa  Barangay  177, Caloocan City.

Dead on the spot sanhi ng tama ng baril sa kaliwang sentido si Romulo Tayumi, 34, ng Pechay st., Barangay 177 ng nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong alas-12:40 ng madaling araw ng  barilin ng malapitan si Tayumi habang minamaneho nito  kanyang tricycle.

Naghatid ng pasahero ang biktima at pagsapit sa Parkland Drive ay pinagbabaril ito ng riding tandem na mga salarin.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa pamamasalang habang isang manhunt operation naman ang inalatag ng pulisya laban sa mga salarin. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply