Trillanes kay Garcia: Ikanta ang mga kasabwat

HINAMON ngayon ni Senador Antonio Trillanes IV si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) comptroller Carlos Garcia na isiwalat na rin ang iba pang sangkot sa talamak na kurapsyon sa Sandatahang Lakas.

Ito ang naging reaksyon ni Trillanes kasunod ng tuluyang pagkulong kay Garcia sa New Bilibid Prisons sa Muntilupa para pagsilbihan ang kanyang sentensyang dalawang taon na pagkakabilanggo matapos na mapatunayan ng Court Marshal na nagkasala kaugnay ng pagsisinungaling sa kanyang kayamanan.

Ayon kay Trillanes, sa laki ng salapi na kinulimbat ni Garcia tiyak aniyang may mga kasabwat ito noong limasin ang pera ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Binigyang-diin pa ng senador na inilaglag na si Garcia ng kanyang mga kasamahan kaya’t nakabubuti umanong pangalanan na rin nito ang kanyang mga kasabwat.

Si Garcia ay una nang sinampahan ng kasong plunder sa Sandiganbayan bunsod ng umano’y pagkamal ng nasa P300 milyon pondo mula sa AFP ngunit napababa ito sa kasong bribery matapos na pumasok sa kontrobersiyal na plea bargaining agreement sa Ombudsman.

Ito ang dahilan upang umalma ang mga senador kaya’t naglunsad ng imbestigasyon na humantong pa sa pagpapatiwakal ni dating AFP chief of staff Angelo Reyes matapos makaladkad sa kontrobersiya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply