TRO sa ARMM polls delay, kinondena ng AMAR

KINONDENA ng All Moro Alliance for Reforms (AMAR) ang inilabas na temporary restraining order (TRO) laban sa pagpapatuloy ng Repbulic Act (RA) 10153 o mas kilala bilang Autonumous Region in Muslim Mindanao (ARMM) election synchronization law at pagtatalaga ng OICs.

Ngayong tanghali ay nagmartsa ang may 1,000 miyembro ng AMAR patungo sa harap ng Supreme Court (SC) at sinunog ang effigy ng walong mahistrado na pumabor sa TRO laban sa pagpapatuloy ng ARMM election synchronization law at pagtatalaga ng OICs.

Ayon kay Darwin Rasul III, mistulang naghahanap ng gulo laban sa gobyerno ang mga mahistrado sa ginawa nitong pagharang sa paglalagay ng mga pansamantalang opisyal ng rehiyon, subalit silang mga taga-Mindanao naman ang nalalagay sa alanganin.

Kabilang sa mga pumabor sa TRO ay sina: Chief Justice Renato Corona, Justices Presbitero Velasco Jr., Arturo Brion, Teresita Leonardo-de Castro, Roberto Abad, Jose Perez, Jose Mendoza at Martin Villarama.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply