TRO sinisi ng MMDA sa nagbagsakang billboard

SINISI ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang korte na nag-isyu ng Temporary Restraining Order laban sa “billboards regulation” ng ahensya dahil sa mga nagbagsakang billboards na sumira ng mga ari-arian at nakasugat ng ilang mamamayan sa kasagsagan ng bagyong “Pedring.”

Bagama’t umapela at pinagbigyan ng korte ang mosyon ng MMDA noong Lunes (Setyembre 26) upang maagapan ang ilang mga mapanganib na billboards, ay may ilan pa ring nawasak ng malalakas na hangin at bumagsak sa kalsada kung saan ilang mga sasakyan ang nadaganan ng mga ito.

Kahit umano pagsabihan ang mga may-ari ng billboards na bantayan at tibayan ang mga ito ay hindi pa rin sumusunod ang iba na naging sanhi ng hindi inaasahang sakuna. Kailangan umanong magkaroon ng iisang regulasyon na susundin ng lahat lalo na ang mga nagmamay-ari ng mga billboards ayon sa MMDA chief. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply