Tropa ng militar sa Sorsogon inambush ng NPA

NAKALIGTAS sa tiyak na kamatayan ang tropa military makaraang tambangan ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Bogton, Barcelona, Sorsogon

Batay sa ulat halos nasa  30 pinaghihinalaang mga miyembro ng NPA ang sorpresang umatake sa grupo ni Lt. Jobert Celorin ng 49th Infantry Battalion at sinasabing  umabot sa 15 minuto ang nangyaring palitan ng putok sa magkabilang panig.

Sinasabing nagsasagawa ng internal security operation ang grupo ni Celorin sa nasabing barangay nang mangyari ang insidente.

Sa ngayon, patuloy ang inspeksyon ng tropa ng militar sa mga kalapit na ospital sa hinalang may mga sugatan sa panig ng mga rebelde habang wala namang nasugatan sa grupo ng mga sundalo. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply