Tropical depression ‘Ramon’ papasok na sa PAR

POSIBLENG pumasok bukas (Oktubre 1) sa teritoryo ng Pilipinas ang tropical depression na tatawagin sa pangalang “Ramon.”

Magiging magkasunod ang pagpasok ng dalawang bagyo ngungit malabong magsanib-puwersa ang mga ito.

Sa ngayon ay pinaghahanda ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga residente ng Cagayan Valley, Northern Luzon at maging ang Metro Manila, dahil posibleng lumakas ito dulot ng hanging habagat mula sa timog-kanluran.

Inaasahan na magdadala ng parehas na bigat ng pag-ulan ang bagyong “Quiel” kagaya ng kay Pedring.

Sa ngayon iniakyat na ng PAGASA sa kategoryang “typhoon” ang bagyong “Quiel” matapos ito lalo pang lumakas habang nagbabanta sa Hilagang Luzon.

Sinabi ng PAGASA sa Severe Weather Bulletin, huling namataan ang sentro ng bagyo sa 770 kilometro sa Silangan ng Aparri, Cagayan.

Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na umaabot sa 130 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 160 kilometro kada oras.

Kumikilos pa rin ang bagyo patungo sa kanluran sa bilis na 22 kilometro kada oras.

Itinaas na ng PAGASA ang babala ng bagyo bilang isa sa mga probinsya ng Cagayan, Isabela at Babuyan Group of Islands.

Tinatayang magbubuhos ito ng tubig na aabot sa 15 hanggang 25 millimeters per hour sa mga lugar na nakapaloob sa 400 kilometer diameter nito.

Sinabi ng PAGASA na posible pa ring maging maulan sa Southern Luzon at Visayas dahil sa paiigtingin ng bagyo ang Southwest Monsoon. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply