True ba?: Cock teaser si John Estrada?

SO FAR, di binigyang dignidad ni John Estrada yung maraming blind items alluding him to be a cock teaser na minamanyak daw ang mga kontesera sa kanilang noontime show. Marami na kasi kaming nabasa pero tahimik lang si John at dahil dito, yung mga kaibigan niya ang nagtatanggol sa kanya.

Oo nga naman, why in heaven’s name, kailangang gawin pa ni John yung ganun, e sa true lang, maganda naman ang misis niya? Isa pa, kung talagang inuutugan si John, marami siyang ibang paraang puwedeng gawin at hindi yung bara-barang pagpi-flirt o di kaya’y pagkuha ng mga cell phone numbers ng mga kontesera pagkatapos aayain niya ng sexual bout.

Very unlikely for John to do that!

Anyway, isang contestant na nanalo na sa mga unang buwan ng My Girl contest nila sa kanilang afternoon show ang nakausap namin. Hanga raw ito sa pagka-gentleman ni John at ng iba pa niyang kasama sa naturang show. Kasi raw, nang sumali siya run, bukod sa staff na nakaalalay sa kanya, di rin daw siya pinabayaan ng mga hosts roon.

Wala raw yung sinasabing nantsa-chancing si John ng mga babae sa show. “Ni hindi niya ako nilapitan kundi nung ini-interview na niya kami, kaya wala talaga, ako di ko naranasan yan,” sabi pa ng magandang kontesera.

Di na namin papangalanan yung babaing nakausap namin, sapat na yung ipinagtanggol niya si John na inaakusahan nga ng mga bagay na unlikely ay gagawin niya.

Guwapo nga si John, kung gugstuhin niya’ng mga babae, madali lang at kung totoo na paminsan-minsan ay nakikipagbiruan siya sa mga contestant yun ay para di naman siya matawag na suplado. Napakanatural lang naman, na lalaki si John na maki-bonding o kaya ay maki-interact sa magagandang kandidata sa kanilang show.

Di ba naman?

***

Anak ni Carlene Aguilar kay Dennis Trillo ipaampon sa bagong asawa

MALAPIT nang manganak si Carlene Aguilar sa pangalawa niyang baby, this time, anak naman ng pinakasalang si Yo Ocampo. Yung panganay ni Carlene ay ang kontrobersyal na si Calix na si Dennis Trillo ang ama. Sabi namin, kotnrobersyal si Calix dahil nung kabuntisan pa sa kanya ni Carlene, kung saan saan sumuot yung mga intriga tungkol sa kanya. Finally, things went smooth between Dennis and Carlene at nagkaroon nga ng kumpletong magulang si Calix.

He is now a growing boy at talagang ka-bonding ng ama. Basta may time rin lang si Dennis, he sees to it to bond with his son, kaya lang tila may pumasok na bagong problema ngayon sa anak niya.

Kasi nga, may asawa na si Carlene, at balak daw ampunin si Calix para maging Ocampo ang apelyido ng bata. To this, Dennis Trillo vehemently says no dahil hindi niya gustong maiba ang apelyido ng anak niya.

So there!

***

Malupit pala’ng press pero bakit panay ang gamit nina Toni Gonzaga at direk Paul Soriano sa mga media people?

KESYA nagsalita raw si Direk Paul Soriano tungkol sa kalupitan ng press sa mga artistang gaya nila, pero ayan, wala naman silang tigil sa kape-presscon tungkol sa mga projects nila. Alam na nilang malupit, sa press pa rin sila sunasandal kasi nga, they get enough publicities though the media.

Dapat sana, tapos na yung isyung pag-iyak ni Maja na kesyo di niya gusto na ini-link siya kay Direk Paul. Manong umamin na silang sinadya niya yung isyung iyakan para kaawaan ang movie at panoorin nga.

Heto pa ha, pati na si Toni Gonzaga, sobra ang naging pakinabang dahil sa isyung kesyo malupit ang press. Kita n’yo naman tinuhog nina Toni at Direk Paul ang sitwasyon para i-promote ang movie.

For Toni, malinaw na inaani na niya ang sinasabing kalupitan ng press, tagumpay ang movie niyang palabas na kesyo may thanksgiving party pa sa sinabi nilang malupit na press.

Ewan ko lang kung ganyan din ang kahihinatnan ng “Thelma.” Sa tingin namin, naka-nega pa yung paiyak-iyak kuning-kuning ni Maja. Sa true, kilala naman siya pagdating sa pakikipagrelasyon.

Di ba true, Matteo Guidecelli?

Sa thanksgiving party nga ni Toni, ang issue pa rin nina Maja Salvador at Direk Paul Soriano ang isa sa mga naitanong kay Toni Gonzaga.

“Ang sinabi sa akin ni Paul, ‘sometimes, the media can be harsh.’ Kasi, hindi naman siya talaga artista, direktor siya. Hindi niya akalain na puwede palang mangyari ‘yun — na i-link sa direktor. Kasi ang akala niya, ‘yung stars lang ang inili-link.

“Kaya sabi niya, ‘the media can be so harsh sometimes.’”

Paanong di posible e sila nga ni Direk Paul halos magkatuluyan na, kasal na lang ang kulang.

E, ano ang masama kung ma-link ang direktor at artista, bakit hindi ba natural lang yun?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply