Tsansa ng La Salle sa Final 4 manipis

KATITING lang ang tsansa ng La Salle Green Archers para makapasok sa Final Four ng nalalapit ng magtapos na second round eliminations ng 74th UAAP men’s basketball tournament.

Subalit magtitiyaga ang Archers para makapasok sa F4.

Okupado ng defending thee-time champion Ateneo Blue Eagles ang top spot habang ang Adamson U Falcons at last year’s runner up Far Eastern U Tamaraws ay nakapuwesto na sa second at third spot.

Isang slot na lamang ang pinag-aagawan para mabuo na ang apat na teams na maglalaro sa semifinals.

Nasa solo fourth spot ang University of Santo Tomas Growling Tigers tangan ang 7-5 record subalit kailangan pa nilang manalo ng isa sa dalawang natitirang laro upang masiguro ang nasabing puwesto.

Ang La Salle Green Archers na lamang ang may pag-asang makahabol sa Tigers matapos silang manalo laban sa UP Fighting Maroons, 73-72.

May 5-7 baraha ang Green Archers kung saan ay dapat manalo sila sa dalawang nalalabing laro at matalo ng dalawa ang UST upang maka-puwersa ng tie-break game.

Bukas (Huwebes, Setyembre 8) makakalaban ng Taft-based La Salle ang National U Bulldogs dakong ala-una ng hapon habang sa main game ay maglalaban ang UST at FEU.

Muling sasandalan ng Green Archers si Fil-Am rookie Norbert Torres na siyang tumarak ng double-double para igiya ang koponan sa kanilang huling laro.

Gumapang ang Green Archers mula sa 20 puntos na pagkakabaon sa kanila ng UP Maroons sa second half upang ilista ang unang panalo sa second round.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply