Tsimay hinalay bago pinatay ng akyat-bahay

ISANG kasambahay ang natagpuang walang suot na panty at tadtad ng saksak sa loob ng bahay ng kanyang amo kaya hinihinalang ginahasa muna ito bago pinatay ng mga sumalakay na magnanakaw Linggo ng gabi (Setyembre 25).

Sa inisyal report na nakarating sa Camp Crame, mismong ang  amo nitong si Jaime Nakawili ng Don Candido Subdivision, South Fundidor, Molo, sa lungsod ng Iloilo ang nagreport ng pangyayari sa pulisya.

Nabatid na bumungad kay Nakawili ang biktimang si Joan Tojolosa, 30, na tadtad ng saksak sa katawan at wala nang underwear.

Base sa ulat, sinasabing pinasok ang kuwarto ng amo at nakuha ang kanyang baril, P30,000, ilang piraso ng alahas at ang cell phone ng biktima.

Sa imbestigasyon ng Molo PNP, isa sa mga itinuturong suspect ay ang boyfriend umano ng biktima dahil walang forced entry sa bahay at hindi na makita ang kanyang boyfriend na kilalang isang drug addict sa kanilang lugar.

Lumalabas din sa pagsisiyasat na ilang minuto bago dumating ang amo ng biktima ay nakita pa si Tojolosa na lumabas upang bumili ng malaking softdrinks para sa kanyang mga bisita. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply