Tulak na nasa watchlist tiklo sa PDEA

ARESTADO ng operatiba ng  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang watchlisted na drug pusher sa isinagawang  buy-bust operation sa  Misamis Occidental.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang nahuling suspek na si Jayson Lagahid  alyas “Bakyot”, 36, ng Purok 2, Barangay Talic, Oroquieta City, Misamis Occidental.

Si Lagahid ay huli sa akto habang iniaabot ang 2 plastic sachet ng shabu sa isang poseur buyer na PDEA agent.

Sa pagrerekisa, nakuha pa kay Lagahid ang may apat na iba pang plastic sachet ng shabu, 24 na piraso ng aluminum foil at improvised tooter kasama ang P200 na buy-bust money.

Pansamantalang nakapiit sa Oroquieta City Police Station detention cell si Lagahid habang sinampahan na ng mga kasong paglabag sa pagbebenta ng iligal na droga (Sections 5 at 11), at possession ng drug paraphernalia (Section 12), Article II ng  Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply