Tulak na pulis-QCPD at matulis na policewoman

WALANG takot daw kung magbenta ng ipinagbabawal na gamot ang isang kagawad ng Quezon City Police District (QCPD) sa Gana Compound sa Balintawak, Quezon City.

Ayon sa source ng Lily’s Files, mismong itong si PO3 Eugene Lim, ang umano’y nagpapaikot ng shabu sa loob ng Gana  Compound at wala umano itong kinatatakutan sa kanyang pagpapaikot kahit sino pa ang nandoon sa nasabing lugar.

Bukod daw sa lantarang pagbebenta ng shabu, itong si PO3 Eugene Lim, din umano  ang operator ng  mga video karera  na nasasakupan ng Talipapa Police Station 3 ng QCPD.

Sinasabing itong si PO3 Eugene Lim, ay personal umanong tao ni Supt. Carlito Feliciano, ang station commander ng Talipapa Police Station 3 ng QCPD.

Kung hindi ba naman bagyo sa kanyang among si Col. Feliciano itong si PO3 Eugene Lim , ay hindi ito gagawing hepe ng follow-up section ng QCPD-PS3.

Saan ka ba naman nakakita ng PO3 lang pero hepe ng follow-up section ng isang presinto kung hindi talaga malakas sa kanyang

boss? Sakop ng Talipapa Police Station 3 ng QCPD ang Culiat kung saan naroon ang Muslim Compound na sinasabing pugad ng droga.

Ayon pa rin sa ating source,  marami rin umanong video karera  sa nasasakupan ng PS-3 na pag-aari pa rin nitong si PO3 Eugene Lim.

Sabagay ikaw ba naman ang gawing hepe ng follow-up section, natural lahat ng iligal ay gagawin mo dahil ikaw din naman ang manghuhuli sa mga ito.

Alam kaya nitong si Col. Feliciano ang  mga aktibidad nitong si PO3 Eugene Lim?  O baka naman nagbubulag-bulagan  lang at nagbibingi-bingian ka lang, Colonel.

oOo

ATTENTION QCPD-Novaliches Police Station 4 Commander, Col. Marcelino Pedrozo, sir pakidisiplina itong policewoman mo na nagngangalang SPOI Albong, na naka assign sa Womens Desk.

Masyado raw  itong maangas at mayabang lalo na roon sa mga complainant na walang pera.

Matagal na raw itong gawain ni SPOI Albong, pero walang magkalakas ng loob na sawayin ito dahil  malakas daw  ito sa kahit na sinong station commander na maupo riyan sa Novaliches.

Ayon sa  ating mga kaibigang pulis diyan sa PS-4, masyado rin daw matulis itong policewoman na ito pagdating sa pera.

Col. Pedrozo, sir, baka hindi mo pa alam ang  pinaggagawa ng pulis mo, paki-monitor lang at paki disiplina itong si SPOI Albong.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply