Tulfo brothers pare-parehong malalaki ang ulo sa itaas at ibaba

WALANG kagatul-gatol na sabihin ng hepe ng NEWS TV5 na si Luchi Cruz-Valdes na ang troika ng magkakapatid na Sina Raffy, Ben at Erwin Tulfo via sa kanilang bagong trailblazing TV show  together na pinamagatang “T3: Kapatid, Sagot Kita!” na magsimula on the air sa linggong ito ay definitely “history maker”  dahil for the first time ay na-gather niya together ang tatlong pinangingilagang magkakapatid sa larangan ng pamamahayag para magsisilbing tinig at kakampi ng mamamayan laban sa katiwalian, kalokohan at kasamaan ng mga mapang-abusong indibidwal at tiwaling gawain ng iba’t ibang sangay ng gobyerno.

Tama si Madame Luchi and I think it came out from her brilliant mind to do just that. And if I may add to that no one perhaps in the future will be able to duplicate this feat of the three brothers in their advocacy together as broadcast journalist. Ang kanilang news service motto ay “Higit sa balita, ay aksyon!”

In the middle of the serious social intercourse with the three brothers, isang malabigang reporter na katabi ko ay bigla ba namang bumulong sa akin na tanungin ko raw kung totoo ba ang tsismis na well-endowed daw ang mga Tulfo brothers-in-between their legs. Hindi ko rin kayang itanong ito sa Tulfo brothers myself which I think they would not mind knowing may mga sense of humor din naman sila, pero kina-calm down ko na lang ang seatmate ko sa pagsabing, “bakla ka be comfortable in the thought na the three brothers are well-endowed both in their lower and upper heads hahaha! Ayaw mo pa ba ‘yun habang pinapanood mo sila together nanitam-tilam ka sa harap ng iyong telebisyon,” say pa namin. Napakalma ko ang baklitang may pagnanasa pareho sa tatlong magkakapatid, hindi lang sa isa ha?

Kabalahuraan aside,  ayon pa rin kay Madame Luchi lalo pang iaangat ng NEWS5 (TV5 News and Information Division) ang antas ng paghahatid-tulong at serbisyo sa mga Pilipino sa pagsisimula ng bagong programa nila Raffy, Ben at Erwin Tulfo bago mag-AKSYON Prime sa TV5. “Ikinararangal naming ihandog sa publiko ang T3 kahanay ng mga programa ng NEWS5 na naghahatid ng, higit sa balita, serbisyo at aksyon. May bago nang sumbungan ang mamamayan,” ayon pa sa pinuno ng TV5 News and Information Division.

Panig sa mga naaapi at galit sa mga nang-aapi, magsasanib-pwersa ang Tulfo brothers para ihatid ang bagong takbuhan ng taumbayan.

Sina Raffy, Ben at Erwin ay bawat araw dinadagsa ng mga reklamo mula sa mga kababayan nating naging biktima ng iba’t ibang pang-aabuso.

Nakakarinig din tayo ng mga kwento tungkol sa mga kababaihan at kabataang minamaltrato.

Bagamat daang matuwid ang nais tahakin ng administrasyon ni Pangulong Aquino, tila bali-balikong daan pa rin ang pinipiling puntahan ng mga tiwaling opisyales.

Pananagutin ng Action Man ng Bayan na si Erwin Tulfo ang mga kurap at tutulog-tulog sa pwesto sa “Ambush.”

Mahuhulog sa bitag ng batas ang mga kawatan sa “Modus” kasama si Ben Tulfo. Bukod sa babala, ibibisto rin ni Ben ang mga raket ng mga mapang-abuso at ituturo ang mga pamamaraan kung paano makakaiwas ang publiko sa mga raket at modus operandi.

Ang Utol ng Bayan na Si Raffy Tulfo ang magbibigay ng agarang aksyon sa mga problema ng pang-aapi at pang-aabuso sa kahinaan ng mga babae at bata sa “Resbak.”

Pararangalan naman ang mga tapat at mga opisyal na dedikado sa trabaho sa “Saludo.” Magsimula na ito sa Lunes (Setyembre 5) bago mag-AKSYON Prime sa TV5.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply