Tulong sa jeep at tricycle drivers ikinasa

IKINASA na ng Malakanyang ang pagbibigay ng tulong sa mga tsuper ng jeepney at tricycle kasabay ng patuloy na pagtaas ng presyo sa mga produktong petrolyo.

Ito’y matapos tiyakin ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na mayroong nakalaan na sapat na pondo ang pamahalaan para sa pagpapamahagi ng ikalawang batch ng Pantawid Pasada Program .

Nabatid na ang ipapamudmod na smart cards ay may lamang mahigit p1,000 kada buwan na maaring gamitin pang gasolina.

Samantala, idinagdag ni Valte na tuloy na tuloy ang pakikipagdayalogo ng pangulo sa mga transport group kaugnay pa rin sa tumataas na presyo ng krudo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply