Turismo at prostitusyon pigilin at bantayan

AYON kay US Ambassador  Harry Thomas Jr., nakararami sa mga lalaking turista sa mahal kong Pinas ang naghahanap ng sex kaysa ng mga magagandang tanawin.

Kung may magandang tanawin man na gustong makita ang mga ito ay walang iba kundi ang kaseksihan ng mga Pinay na gusto nilang maka-sex.

Anak ng pitong-putakte, ang pagtingin ng mga turistang ito sa mga Pinay ay pawang mga sex object.

SHAMCEY SUPSUP TSUNAMI WALK

Lalong nakararamdam ng bogli ang mga animal na turistang ito ngayong may isa na namang Pinay na muntik nang makakopo ng Miss Universe crown.

Siguro nag-iinit lagi ang puson ng mga turista sa panonood ng mga

Pinay na katulad ni Shamcey na mahilig magpaikot ng balakang.

Yun bang === tsunami catwalk.

KAHIT SAAN MAY PUTAHAN

Siguro naiisip ng mga turista na walang pagbabago sa usaping turismo kahit sinasabi nina PNoy na tumatahak na tayo sa matuwid na daan.

At maaaring totoo ito.

Tingnan ninyo, mga Bro, ang Angeles City.

Noong pinalayas ni Apo Mallari ang mga Kano na may-ari ng mga putahan sa lugar na ito, agad na pinalitan ang mga ito ng mga Australiano at Hapones.

Ngayon may halo na silang mga Koreano.

Sa Subic, mga Koreano ang namamayagpag sa mga putahan.

MINDANAO NAMAN NGAYON

May nakarating sa atin na tahimik na may putahan na rin sa

Mindanao para lang maging happy ang mga Kano sa lugar na yan.

Parang turista rin ang mga Kano na naririyan sa bisa ng Visiting Forces Agreement.

At dahil ligal ang VFA, ligal din ang mga putahan sa lugar?

Gaya ng pagiging ligal ng mga putahan noon sa Subic at Angeles nang nandoon pa ang Subic Naval Base at Clark Air Base ng mga Kano.

CYBERNET PROSTITUTION

Pero hindi na lang sa mga club, videoke bar at beerhouse matatagpuan ang matitinding prostitusyon.

Mayroon na rin sa computer sa internet.

Kung may live show sa mga club, videoke bar at beerhouse, mayroon din ito sa mga computer at Internet.

Pero hindi basta ganito lamang ang cybernet.

Mayroon talagang mga dayuhan na may-ari ng mga prostitution den na doon ginagawa ang mga malalaswa at live show na ibino-broadcast worldwide.

PROMOSYON SA INTERNET

Sa pamamagitan ng cyber prostitution, aktuwal nang pumupunta sa Pinas ang mga malilibog na turista at dito isinasagawa ang kanilang pagiging hayok sa laman.

At lumalabas na sa mga tourist spots pa isinasagawa ang pagpaparaos ng mga ito.

MGA PINAY SINASAMANTALA

Isa sa mga dala-dalang kaisipan ng mga turistang dayuhan ang bilis na mainlab ang mga Pinay sa mga dayuhan.

Panay guwapo ang pagtingin ng mga nabibingwit ng Pinay na mga dayuhan kaya kaaya-aya ang mga ito.

DAYUHAN NA MAY PERA PA

Pero higit na sinasamantala ng mga dayuhan, mga Bro, ang kahinaan ng kababaihan.

Sa hirap ng buhay, nagagawa nilang utuin ang mga Pinay na kanilang laruan.

Pinangangakuan ang iba ng kasal. Yung iba, basta sinisilaw lang ng salapi.

At dahil nga sa bagsak ang ekonomiya ng Pinas at bagsak din ang ekonomiya ng maraming pamilya, yang kumapit sa mga dayuhang turista ang naiisip ng mga ito na paraan para mabuhay.

Hindi nga nagbago ang turismo sa bansa, may halong matinding prostitusyon pa.

PARANG MANOK LANG ANG PINAS

Ngayon ay may bagong tourism secretary…si Mon Jimenez.

Ayon sa kanya, madali lang ibenta ang Pinas sa mga dayuhan.

Para ka lang nagbebenta ng fried chicken na paborito ng mga Pinoy at mga dayuhan na rin.

Ganun ba? Eh paano ang sinasabi ni Haring Tomas na marami sa mga turistang lalaki ang pumupunta rito para lang umi…..?

Matanong natin itong si Mr. Jimenez, given  na bang kasama ang escort services at prostitusyon sa turismo?

PROSTITUTION LORDS

Sa sumbong ng ating Uzi, biglang sumulpot ang isang klase ng lord sa Pinas.

Ang mga prostitution lord.

Sila, mga Bro, ang mga dayuhang may-ari ng mga naglipanang putahan  sa mga tourist spot ng bansa.

At alam kaya ni Mon Jimenez na nakasiper ang bunganga ng mga lokal

na opisyal at kapulisan sa paghahari ng mga bagong lord na ito?

O Mr. Secretary Mon Jimenez, paano ito?

UZI TEXT

Text ng mga UZIserong buwisit na sa sistema.

SARILI HINOLDAP

Sir puwede bang magsumbong? Yung jeep na biyaheng Cubao-Rosario ay  hinold up mismo ng driver. Kaya kinabukasan, nang bumiyahe yung may-ari,  siya ang ikinulong sa Quezon City Station 12 sa may

Libis. Pero nakita siya ng complainant at sinabing hindi siya iyong holdaper. Ngayon  ito po ang problema, nanghingi ang pulis ng P100 at nakakulong na ang driver. +63947294….

BIKTIMA NG ONDOY

2 taon na po kaming nagtitiis sa dilim dito sa Southville 8, San Isidro Montalban, Rizal. Kami po ay mga biktima ng bagyong Ondoy.

Paki-aksyunan naman po kasi nagtuturuan na silang mga awtoridad kung kanino ang problema. +63939500….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply