Turistang Hapon nagbigti sa hotel

MALAMIG na bangkay na nang matagpuan ang isang 59-anyos na turistang Hapon matapos itong magbigti sa loob ng comfort room ng tinutuluyang hotel sa Port Area, Maynila, iniulat ngayon (Miyerkules, Setyembre 7) ng pulisya.
.
Nakilala ang biktima na si Sugao Hara, pansamantalang nanunuluyan sa Room 566 Mc Arthur Suites, Manila Hotel sa Katigbak Road, Port Area, Manila.

Sa report ni PO2 Jupiter Tajonera ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 10:50 kamakalawa ng umaga nang nadsikureng patay ang biktima sa loob ng kanyang kuwarto sa nasabing hotel.

Nabatid na kinatok ni Janneth Quintana, chambermaid ng hotel, ang kuwarto ng biktima upang maglinis dahil nakita na niyang may “make up” sign sa labas ng pintuan ng silid ni Hara.

Ibig sabihin ng “make-up “sign ay maari nang linisin ang kanyang kuwarto ngunit hindi naman ito tumutugon sa mga katok ni Quintana.

Agad na ipinagbigay-alam ni Quintana sa kanyang supervisor ang hindi pagsagot ng biktima at nang buksan ang pintuan ng kuwarto ay naka-chain lock pa ito kaya ginamitan pa ng bolt cutter upang makapasok sa loob.

Nang mapasok ang kuwarto ay wala ang biktima at ng silipin ang comfort room ay tumambad sa kanila si Hara na nakabitin ang leeg gamit ang kanyang bath robe habang ang isang bahagi nito ay nakatali sa kumot ng hotel sa door knob at ang isa pang bahagi ay itinali sa isang kulay brown na sinturon sa isang bahagi ng CR.

Bago ang pagpapakamatay ng biktima, sinabi ni Quintana na masama ang pakiramdam nito subalit nang suriin ni Cathy Azones, hotel physician ay tumanggi umano itong magpatingin.

Ayon naman kay May Manalo ng Crosswind Travel Agency, noong August 21 ang magkasama sila ng biktima sa firing range sa Villamor Air Base sa Pasay City kung saan ay biniro na babayaran siya (Manalo) ng malaking halaga kung babarilin siya (Hara).

Madalas din umanong idinadaing ng biktima ang matinding pananakit ng kanyang tiyan.

Ayon sa pulisya, posibe umanong hindi na nakayanan pa ng biktima ang kanyang iniindang sakit kaya nagpamatay ito.

Gayunman, inaalam pa rin kung may iba pang dahilan ng pagpapakamtay ng biktima o kung may naganap na foul play.

Ang labi nng biktima ay nakalagak sa St. Yvan Funeral Homes para sa awtopsiya at safekeeping. Ipinagbigay alam na rin ng pulisya sa Japanese Embassy ang pagkamtay ni Hara.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply