Turistang Pinoy nahulihan ng heroin sa China

NAARESTO ang isang turistang Filipino makaraang mahuluhan ng 26 kilograms ng heroin sa Guangzhou, China.

Nabatid na patungo sana ng Hong Kong ang Pinoy nang maaresto ito ng mga awtoridad sa Guangzhou, China.

Ang iligal na droga ay nagmula sa Malaysia kung saan dumaan ang Pinoy matapos makaalis ng Pilipinas.

Nabatid pa sa ulat na $6,000 ang ipinangakong bayad sa Pinoy upang matagumpay na maipuslit ang heroin sa Hong Kong.

Nakatakda namang humarap sa korte ang suspek sa darating na Nobyembre 17.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply