TV5, Boss Vic bigo kay Sarah G: Pop Star Princess pumirma ng bagong kontrata sa Dos

LAST year pa umugong ang balitang ililipat na raw ni Boss Vic Del Rosario ang alagang si Sarah Geronimo sa TV5. Napaka-tempting naman kasi ng offer ng Singko na limang doble ng talent fee na nakukuha ni Sarah sa Kapamilya Network.

Pero siyempre, hindi lang naman si Boss Vic ang magde-decide sa lipatan blues na ito kundi si Sarah mismo. Aanhin mo ba naman kasi ang malaking halaga na ibabayad sa ‘yo kung alam mo namang babagsak ang popularity mo nang husto?

Kaya as of now, ang naging final descision ni Sarah ay manatili sa ABS-CBN. Just recently lang ay pumirma ng panibagong kontrata ang Pop Star Princess sa kanyang mother network at nakatakda siyang gumawa ng panibagong series na magpapakita uli ng kanyang acting ability sa drama at comedy. Then, nagsu-shoot na sila ng sequel ng movie nila ni Gerald Anderson. Oh, hayan, matitigil na tiyak ang speculations sa paglipat daw ni Sarah G. dahil certified Kapamilya star pa rin ito.

Very right decision and right career move gyud!

***

Wonder Gays dinumog ng fans sa Victory Park & Shop sa Antipolo

NO EXAGGERATION pero mas pinagkaguluhan ng fans ang Wonders Gays na mga alaga ng sikat, mayaman, at controversial na Talent Manager/Record Producer na si Mama Lito de Guzman. Nang sabay-sabay mag-perform ang nabanggit na all-gay singing group, Valerie Concepcion at ang 6 Cyclemind sa grand opening last Wednesday ng Victory Mall sa Antipolo, na-witness mismo ng inyong dear columnist kung papano pinagkaguluhan ng audience ang Wonder Gays habang sinasabayan ng mga ito ang phenominal hit ng grupo na Blind Item.

Siyempre habang pinapanood sila ay very proud naman si Mama Lito sa na-achieve ng mga talent niyang ito na in-demand na pala sa rami ng show. Utang na loob nina Blue, Black, White, Green, Gray at Pink ang popularidad na tinatamasa sa ngayon sa kanilang Ina ng laging saklolong manager na hindi lang sila ginagastusan kundi talagang alagang-alaga sila sa lahat ng bagay.

Kaya mga bading, huwag lalaki ang ulo at mahalin nyong tunay si Mama Lito. Anyway added attraction talaga sa Antipolo ang Victory Park and Shop, na ayon pa mismo sa kaibigang Mama Lito, ay solusyon rin sa matagal nang hassle o pahirapang paghahanap ng parking space kapag nagpupunta sa Antipolo Church.

Dahil multi-level ang parking ng mall na katabi lang mismo ng simbahan, lahat ay naririto rin tulad ng paborito nyong coffee shops, bakeshops, food chain, cell-phone stores at ang Puregold, na kilala sa murang bilihin.

Tayo na sa Antipolo at doon magsimba, mag-park, magshopping, kumain at maki-bonding sa paborito n’yong celebrities ganoon na rin sa pamilya at barkada. Sa September 24, Sabado, ay nakatakdang mag-perform sa Victory Park & Shop sina Jennylyn Mercado, Imago, Ney at Duster. Ating samahan naman si Mr. Showtime Jhong Hilario ng live kasama ang Callalily, Gracenote at Ernville. Di ba? Kapatid na Danny Batuigas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply