UAAP Press Corps-Air21 kakasa vs ABS-CBN

MASASAKSIHAN sa hard court upang magpakitang gilas ang mga unsung heroes working groups ng UAAP Season 74 sa gaganaping UAAP Friendship Basketball Tournament ngayong umaga, Setyembre 10.

Tampok sa palaro ang mga teams mula UAAP/Ateneo (host), Stats/Table Officials, ABS-CBN at UAAP Press Corps-Air21 na sasabak sa single-round robin sa Set. 10, 11, 15 at 18 sa alas-otso ng umaga sa Araneta Coliseum.

Ngayong araw, unang laro ang UAAP/Ateneo at Stats/Table Officials habang ang ikalawang laro ay ang ABS-CBN kontra UAAP Press Corps bukas, Setyembre 11.

Maghaharap sa Setyembre 15 ang losers sa Match 1 at Match 2 para sa third place, samantalang pag-aagawan ng winners ng dalawang matches ang titulo sa Setyembre 18.

Ang Air21-backed UAAP Press Corps team ay bubuuin nina Elech Dawa, Jonas Terrado, Joey Villar, Reuben Terrado, Cedelf Tupas, Joel Orellana, Francis Ochoa, AJ Bolando, Karlo Sacamos, Jerome Lagunzad, Diego Dela Paz, Rick Olivares, Jeric Lopez, Mark Escarlote, Josef Ramos at Alder Amo. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply