UAAP Season 74 championship Game 1 sa Huwebes

MASASABAK ang Universtity Sto. Tomas Growling Tigers laban sa Ateneo Blue Eagles habang ang Adamson Falcons ay makahaharap ang number 3 semifinalist Far Eastern University Tamaraws sa pagsisimula ng semifinals sa Huwebes (Styembre 15).

Nalaglag sa ika-4 na puwesto ang Tigers (8-6) na nag-iwan ng magandang pamamaalam ang National University Bulldogs sa pagsibak sa Tigers sa iskor na 73-49 para itala ang 6-8 win-loss slate ng Bustillos Cagers.

Si Bobby Ray Parks ang nagbida para pahirapan ang Growling Tigers sa kanyang 22 puntos na dinagdagan ni Emmanuel Mbe ng 14.

Naunsiyami naman ang Green Archers na makaangat sa Team standings ng paluhurin sila ng Tamaraws sa iskor na 57-66 sa pamamayani ni Ryan Roose (RR) Garcia na nagpamalas ng galing kung bakit siya itinanggahal na 2010 Most Valuable Player sa kanyang 19-puntos. Maging si Aldrich Ramos na dating Smart Gilas Player ay humakot ng double-double 18 points at 11 rebounds.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply