UP Pep Squad kampeon muli sa UAAP Cheerdance Competition

MATAGUMAPAY na nadepensahan ngayon ng University of the Philippines ang kanilang titulo matapos na tanghaling kampeon ng 2011 UAAP Cheerdance Competition na ginanap sa Smart-Araneta Coliseum

Dalawang magkasunod na taong (2010, 2011) nakopo ng UP Pep Squad ang taunang cheerdance competition.

Bilang kampeon, naibulsa nila ang tumataginting na P340,000 top prize.

Pumangalawa naman ang De La Salle University (DLSU) Animo Squad na nakapag-uwi ng P200,000 habang ang Far Eastern University (FEU) Cheering squad’s ay nakuha ang P140,000 bilang pangatlong magaling sa larangan ng cheerdance.

Kasama ring lumahok sa naturang kompetisyon ay ang iba pang miyembrong kolehiyo ng UAAP na Adamson, Ateneo, UST, UE at NU.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply