UPDATE: 35 na ang patay kay ‘Pedring’

NASA 35 katao na ang iniwang patay ng typhoon “Pedring” at ang bilang ay pinangangambahang lolobo pa dahil sa nawawala pa ang 45 katao.

Karamihan sa mga nawawala ay mga mangingisda na pumalaot bago pa dumating ang bagyo.

Gayunman, dalawang araw matapos na manalasa ang bagyo ay sinabi ni Office of Civil Defense administrator Benito Ramos na unti-unti nang humuhupa ang baha sa ilang bahagi ng Luzon ngunit ilang lugar pa rin ang lubog yaong mga lugar na matinding hinagupit ng bagyo.

Ayon kay Ramos, walang tigil ang pagkakasa ng rescue operations ng mga sundalo, pulis at iba pang rescue personnel para tulungan ang mga naapektuhan ng kalamidad at hanapin ang mga nawawala.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply