UPDATE: Isabela, Cagayan itinaas sa signal No. 3

INILAGAY na ngayong gabi sa storm signal number 3 ang Cagayan at Isabela dahil sa patuloy na paglapit ng bagyong Quiel sa kalupaan.

Nasa signal No. 2 naman ang Northern Aurora, Quirino, Ifugao, Mt. Province, Kalinga, Apayao, Calayan at Babuyan Group of Islands habang nasa signal No. 1 naman ang nalalabing bahagi ng Aurora, Nueva Vizcaya, Pangasinan, Benguet, La Union, Ilocos Sur, Ilocos Norte at Abra.

Ang sentro ng bagyong Quiel ay huling namataan sa layong 490 kilometro sa silangan ng Tuguegarao City.

Ito ay may taglay na lakas ng hangin na 140 kilometro bawat oras na may pagbugsong 170 kilometro bawat oras.

Umuusad ito ng 26 kilometro kada oras patungo sa pangkalahatang direksyon na pakanluran.

Lumaki na rin ito sa nakalipas na anim na oras na umabot na sa 500 kilometro ang dayametro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply