UPDATE: Mag-ina inambus: 1 patay, 1 kritikal

PATAY ang 72-anyos na businesswoman, habang nasa kritikal na kondisyon sa Ospital ng Maynila ang 44-anyos na lalaking anak nito matapos tambangan ng riding-in-tandem sa kahabaan ng P. Ocampo St., sa Malate, Manila kagabi (Setyembre 16).

Dalawang tama ng bala sa tagiliran ang tumapos sa buhay ng biktimang si Lolita Javier, residente ng 120 Citiland Condominuim Vito Cruz Tower 1 Malate.

Patuloy namang inoobserbahan sa nasabing pagamutan ang anak nitong si Hector Javier matapos magtamo ng tama ng bala sa kanang leeg at sa kanang balikat.

Samantala, mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang mga salarin na lulan ng motorsiklo na hinihinalang mga “hired killer” dahil sa bihasa ang mga ito sa pagpatay.

Batay sa ulat ni Det. Jose Gumilan kay Sr. Insp. Joselito “Joey” De Ocampo, hepe ng Manila Police District –Homicide Section dakong 5:05 ng hapon nang tambangan ang mag-ina sa kahabaan ng P. Ocampo St., sa Malate.

Nabatid sa report ng pulisya, binabaybay ng mag-ina lulan ng Hyundai (ZNW-954) ang nasabing kalye at pagsapit sa harapan ng Century Park Hotel ay dinikitan ito ng motorsiklo na armado ng baril.
Walang sabi-sabing paulanan ng bala ang mag-ina, kasabay nang mabilis na pagtakas ng mga ito.

Isang Yves Rondina ang tumulong para madala sa nasabing pagamutan ang mag-ina, ngunit idineklarang dead on arrival si Ginang Javier.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply