UPDATE: Matinding selos dahilan ng pagbaril ng bakla sa karelasyon sa SM mall

MATINDING selos ang sinasabing motibo sa pagbaril ng 13-anyos na bakla sa karelasyon sa loob ng SM mall sa San Fernando, Pampanga kaninang tanghali.

Ito ay batay sa suicide note ng bading na nagpapahayag ng kanyang labis na pagmamahal sa 17-anyos na karelasyon na pinaghihinalaang may gustong ibang babae.

Sa T-shirt na suot ng bagets ay nakasulat din na kung hindi niya mapapakinabangan ang karelasyon, hindi rin ito mapapakinabangan ng iba.

Ngunit wala umanong kaalam-alam ang karelasyon sa plano ng bading dahil nasa mall sila para mag-celebrate sana ng birthday.

Pero sa harap ng isang restaurant sa unang palapag ng mall, binaril ng bakla ang karelasyon gamit ang kalibre 22 na baril saka binaril ang sarili.

Nananatiling kritikal ngayon sa pagamutan ang dalawa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply