UPDATE: Pamamaril at pag-suicide ng 13-anyos sa SM Pampanga dokumentado

PLANADO at dokumentado ng 13-anyos na bading ang kanyang pamamaril sa boyfriend bago nagbaril sa sarili sa SM Pampanga kahapon.

Batay sa kanyang Facebook (FB) account, huling nag-log on si “Jake” alas-11:00 ng gabi noong Linggo.

Dito nagpaalam sa mga kaibigan ang bading at inilahad na baka ito na ang kanyang huling pag-online.

“BASTA SA SARILI KO OK NAKO BYE EVERYONE SA FACEBOOK FRIENDS KO DI KO NA KASI BUBUKSAN TO SA TUESDAY NG MIDNIGTH LAST NA TONG TUESDAY MA-MIMISS KO KAYO LALO NA KAY KUYMakie San.” (sic)

Marami naman ang nagkomento pero hindi inakalang pagpapakamatay ang ibig sabihin ng kanyang pamamaalam.

Mababasa rin dito ang kanyang sama ng loob sa kanyang minamahal na binaril kahapon bago nagbaril sa sarili.

“I’m sorry I leave because I will go with my bf1725. I know ma that I’m only 15 and my bf1725 is 16. But I love him very much. Ma, don’t worry,i have a busness here in phil.and i have my own money & I sell my dog in order for us to live. Ma, i know that this letter hurts you so much but mahal ko naman kayo ma pag maunlad na ko at tanggap nyo na si bf1725 magkakasama din tayo.” (sic)

Samantala, hanggang ngayon ay nasa kritikal pa rin ang kondisyon sa dalawang magkahiwalay na ospital ng 13-anyos at ang boyfriend sa San Fernando City sa Pampanga.

Patuloy na inoobserbahan ngayon sa ICU ng San Fernandino Hospital si “Jake.”

Kagabi, nagdesisyon na ang pamilya na tanggalan na siya ng life support pero nilinaw ngayon ng hospital na naka-ventilator pa ito para makatulong sa kanyang paghinga.

Kanina ay kinunan din ito ng blood samples para sa ilang gagawing test.

Una rito, nagdesisyon ang pamilya na i-donate ang kidney at cornea ng binatilyo.

Sinusuri na rin ng mga eksperto ang kidney ng biktima at kung ano pa ang maaaring magamit.

Nilinaw naman ni Dr. Eric Salas na walang tinatanggal na life support system dito.

Samantala ang 16-anyos ay nasa ICU rin ng Mother Teresa of Calcutta Hospital at mahigpit din ang seguridad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply