UPDATE: Plunder kay Fuentebella ikinasa na

KINASUHAN na kanina ng plunder sa Office of the Ombudsman si House Deputy Speaker Arnulfo Fuentebella dahil sa pagkakaroon umano ng mahigit P80 milyong nakaw na yaman.

Sa reklamo ni Camarines Sur Governor Luis Raymond Villafuerte Jr., nakipagsabwatan si Fuentebella sa maling paggamit ng pondo para sa road projects sa Camarines Sur para sa pansariling pakinabang.

Ilang proyekto umano ang ipinagawa ni Fuentebella na ang kanyang pamilya lamang ang nakinabang tulad ng Mahalas Road na papasok sa kanilang lupain.

Bukod kay Fuentebella, kinasuhan din ang asawa ni Villafuerte na si Evelyn at mga anak na sina Arnulfo, Bryan at Felix William.

Sinikap ng Remate Online na makausap si Fuentebella ngunit hindi pa muna umano siya magbibigay ng komento.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply