Urong sulong

KAMAKAILAN lang ako’y sumulat tungkol sa panukalang Lemon Law o Senate Bill 2464. Ito’y dahil sa natulog na ng mahigit dalawang taon ang bill na ito sa Senado.

Nung isang Linggo lang ay naghain sa Mababang Kapulungan ng House Bill 5017 si Leyte 4th Dist. Rep. Lucy Torres-Gomez. Ito ay ang Philippine Lemon Law of 2011. Kung hindi ako nagkakamali ay ika-4 na bersyon na ito ng panukala ukol sa Lemon Law. May panukala na dati pa noong 13th at 14th Congress pero walang kinahinatnan.

Ayon kay Gomez, bagamat ang mga reklamo na dumarating sa Department of  Trade & Industry (DTI) ay nareresolba ng maayos sa pamamagitan siguro ng “amicable settlement” ay hindi pa rin sapat ang grievance procedure para protektahan ang consumer rights ng car buyers.

Ano kamo? Car buyers? Hindi pa rin ba kasama ang mga motorsiklo dito? Sana naman ay nagkakamali ako dahil sa panukala ni Gomez ay “a bill that seeks to protect buyers of new but faulty motor vehicles.” Hindi ba kabilang naman ang mga motorsiklo sa salitang motor vehicles?

Sana ay magkaroon ng mas malinaw na detalye ang Philipinne Lemon Law natin ukol sa “2 wheels” o mga motorsiklo pagkatapos ay maisabatas na sana itong napakatagal na panukalang ito.

* * *

Isang alkalde ang nagsauli ng sasakyang kanyang nabili matapos niyang malaman na isang stolenvehicle pala ito. Sinauli ni Pandi, Bulacan Mayor Rico Roque ang nabiling Kia Sorento na kanyang nabili sa halagang P700,000 sa isang Erlinda Calma ayon sa Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG).

Sa records ng Land Transportation Office (LTO) ang tunay na may-ari ay isang nagngangalang Mary Rose Senarosa. Sinampahan na ng kaso si Calma sa kanyang pagkakasangkot sa pagbenta ng isang stolen vehicle.

* * *

Iniimbitahan ko po kayong makinig sa inyong lingkod tuwing Huwebes, 2:00 p.m. para sa INSIDE MOTORING RADIO sa DZRJ 810 AM. Inaanyayahan ko din kayong tangkilikin ang mga programang STOPLIGHT TV at INSIDE MOTORING TV na mapapanood sa PINOY EXTREME CHANNEL sa buong kapuluan at sa ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) Global sa ibang parte ng mundo. Sa Kalakhang Maynila, ang Pinoy Extreme ay nasa Destiny cable ch. 83, Cablelink ch. 33 and G-Sat ch. 7. Mapapanood rin ito sa iba’t ibang mga cable operators nationwide.

Kung may mga katanungan hinggil sa mga isyung motoring, motorsports at transportasyon, wag mag-atubili na makibahagi sa www.facebook.com/InsideMotoring o di kaya’y magtext sa 0918-4479006. Salamat po!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply