US envoy, kinastigo ni Enrile sa sex statistics

KINASTIGO ni Senate President Juan Ponce Enrile si US Ambassador Harry Thomas sa pagsasabing sex lamang ang hanap ng mahigit 40 porsiyento ng turistang nagpupunta sa Pilipinas.

Sa panayam, sinabi ni Enrile na dapat ipaliwanag ni Thomas kung saan niya nakuha ang datos sa naturang estadistika dahil kung ang Pinas ang magsasabing

sex din lamang ang hanap ng tursitang nagpupunta sa US, sasama rin umano ang loob ng nasabing bansa.

“I hope the American ambassador can clarify his statement and explain where he got the statistics. We’re not denying that there are American men who come to

the Philippines to enjoy their lives because the Filipinas are attractive but I

don’t think his statistics are correct,” ayon kay Enrile.

Kahit inamin ni Enrile na mayroon ngang sex tourism sa bansa, ngunit nangyayari rin ito sa ibang lugar tulad sa Amerika na maraming turista din na gustong “matikman” ang mga Kano ng mga Filipinong nagtutungo roon.

“Siguro ‘yun ang kanyang experience. Totoo naman. Maraming nagpupunta rito na mga banyaga, hindi lang sa babae, marami rin nagpupunta rito para sa mga bata,” aniya.

“Well, there are also many foreigners going to America to have sex with American girls and American boys. So, it works both ways. Even Filipinos go there to enjoy beauty of American women,” paliwanag pa niya.

Aniya, kung siya si Ambassador Thomas, mag-iisip muna siya bago magsalita sa katulad na maselang bagay dahil insulto ito sa kanyang bansa, ang Amerika, kung ganoon din ang sasabihin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply