US State Department naglabas ng worldwide travel alert

NAGPALABAS ang State Department ng Estados Unidos ng worldwide travel alert, walong araw bago ang ika-10 anibersaryo ng 9-11 attack doon.

Ayon kay Janet Napolitano, homeland security secretary, kahit na walang partikular na banta sa ngayon, kanila pa ring hinihikayat ang mga overseas traveller na mag-doble-ingat at maging mapagmatyag sa paligid.

Sinabi ng naturang State Department na sa mga nakalipas na panahon ay kadalasang isinasabay ng mga terorista ang kanilang mga pag-atake sa mga mahahalagang okasyon.

Matatandaan na noong Setyembre 11, 2001 ay naganap ang serye ng pag-atake ng mga terorista sa Amerika. Hinaydyak ng mga terosrista ang apat na pampasaherong eroplano sa nasabing bansa.

Dalawa sa mga eroplano ang pinabagsak mismo sa Twin Towers ng World Trade Center kung saan namatay ang lahat ng pasahero at maraming empleyado ng naturang gusali.

Ito ay sinudan pa ng pagpapabagsak sa ikatlong eroplano sa Pentagon, sa Arlington, Virginia, kung saan matatagpuan ang headquarters ng Department of Defense ng Amerika.

Ang ikapat na eroplano naman ay pinabagsak sa Washington, D.C., na target ang Capitol Building o ang White House, ngunit bumagsak ito sa field malapit sa Shanksville, Pennsylvania matapos na subukan ng ilang pasahero nito na i-take control ang naturang eroplano.

Sa nasabing malagim na trahedya ay namatay ang halos 3,000 katao kabilang ang 19 na hijacker.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply