Usapang japorms: Bagong luma

NARANASAN mo na ba na mayroon kang biglaang lakad at nang buksan mo ang iyong closet, kahit na marami kang damit na maaaring suotin ay wala ka pa ring mapili?

Maaaring dahil sa event o okasyong pupuntahan o di kaya naman ay sa taong makakasama kaya parang bigla mong gustong magsuot ng “something” new.

Alam ninyo mga girls, karamihan sa ating mga babae ay nagbibihis para sa ibang tao, maaaring sa ating crush, o kasintahan. Gusto natin silang i-please sa pamamagitan ng pananamit. Likas yan sa karamihan na mga babae.

Hay! Kung marami kang datungz ay no problem talaga, anu ba yung tumakbo ka sa iyong favorite mall o kaya naman ay boutique upang bumili ng bagong damit.

Maganda ito dahil makapagtatanong ka pa sa sales lady. Ang mga nakatalagang saleslady ay dapat na may alam sa fashion. Kung tingin mo mapagkakatiwalaan ang kanyang taste at feel mo naman you look good sa outfit na sinubukan mo, ay go for it.

Pero para maiwasan ang ganitong senaryo, which is magastos, ay mabuting matuto tayong mag-recycle ng damit. O kaya naman ay gawan ng bagong itsura ang isang lumang damit.

Halimbawa, ilang buwan na o kaya ay isang taon o mahigit na ang ilang damit mo ay maaari mo ng gawan ito ng bagong look.

Bukod sa mas matipid ito ay napapalabas mo pa ang creativity mo!

Hindi mo naman kailagang maging eksperto sa pananahi o dressmaking.

1. I-dye ang damit. Sa ganitong paraan ay mako-coordinate mo ang damit na dinye sa existing wardrobe mo. Mag-eksperimento ng kulay.

Subukag mag-mix ng color. Kung di ka pa kumpiyansa ay magsanay muna sa telang hindi na ginagamit lalo na dun sa medyo kakulay ng ida-dye mo para alam mo ang kalalabasan kapag napatong ang kulay ng dye sa damit na ida-dye.

2. I-redesign ang iyong hindi na ginagamit o paboritong top. Ito ang madali, dahil kailangan mo lamang ng magic at gunting. Gupitin ang neckline o ang back ng top na iyong nais na bigyan ng bagong look.

Maaaring gawan ng V-shaped ang back at neckline.

Gumawa ng opening sa harap o sa likod ng top. Dagdagan ito ng interfaced strip of fabric upang magawan ng buttoned or laced
closure.

O kaya naman ay gumupit ng colored open shirt para maging vest.

3. Erase the logo. May gusto ka bang top na fit sayong kasesihan pero ayaw mong suotin dahil na nakokornihan ka sa logo na mayroon ito? Kung maliit lang ang logo ay madali lang ito.

Takpan lamang ito ng magagandang butones at tahiin ito. Siguraduhin lamang na angkop ang kulay ng butones o mga butones na nais na ilagay sa shirt. Maraming butones na may iba’t ibang hugis at disenyo. Pairalin ang creativity.

I-arrange ang mga butones sa hugis ng logo.

Kapag tatahiin na ang mga butones ay tiyakin na gumamit ng kakulay na sinulid upang maganda ang kinalabasan.

Kung nais naman ang logo ay tahiin ang korte nito bago tahiin sa paglalagyang damit. O di ba hindi pa masasayang ang logo?

4. I-recycle ang lumang pantalon. Kung may mantsa na ang pantalon sa laylayan ay maaari itong gawing capri o pedal (3/4).

Kung lumang-luma na talaga at naiwang maayos ang upper part ng pantalon ay gawin na lamang itong stylish na shorts.

Maaaring lagyan ng butones ang parts nito o kaya naman ay gawan ng tastas ang laylayan nito. Pwede rin ang makulay o magandang belt na yari sa laso ang gamitin dito.

Tipid tips din ang pagkakaroon ng iba’t ibang kulay ng laso. Halimbawa kung kapartner ng shorts ay kulay pula ay gumamit ng lasong pula. Kung pula naman ang shoes at hindi pula ang top, maaaring gumamit ng pulang laso bilang belt para magkaroon ng koordinasyon ang suot.

5. Kung malaki at mahaba ang palda ay paiksiin ito. Gupitin ang tahiin ang laylayan.

Maaari rin itong lagyan ng detalye lalo na kung ito ay plain.

Kung printed naman ay walang problema. Maaaring lagyan ito ng bagong lining sa laylayan gaya ng medyo makapal na ribbon.

Pwede rin lagyan ng butones o kaya ay lace. Depende sa type mo.

6. Gumawa ng bagong dress gamit ang lumang palda at top. Maghanap ng posibleng bagay ng kulay ng top at palda. Tahiin ito para maging bagong dress.

Lagyan na lamang ito ng bagong detalye. Gaya ng belt o lace, butones at iba pa.

Tips sa pagre-design ng damit

1. Kung may kaalaman sa pananahi ay mabuti.

2. Kung mayroong sewing machine ay isa ring magandang points dahil mas matibay kung ito ang gagamitin sa pananahi.

3. Plus rin kung mahusay mag-match ng kulay.

Lagi rin isipin ang mga sumusunod:

1. Saan isusuot ang damit, o kung anong okasyon.

2. Comfortness ng damit. Kung komportable ba o hindi. Huwag maglagay ng detalye na nagiging sanhi ng pangangati.

3. Laging mag-research upang makakuha ng ideas.

4. Magsanay.

Wala namang masama di ba kung susubukan mo.

Yung ibang lumang damit mo maaaring i-share mo sa iba sa pagdo-donate.

Ngunit dahil nais mong makatipid at sadyang mahal ang mga bilihin ngayon ay maaari mong gawan ng new look ang iyong lumang damit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply