Usisero bawal na sa police lines

BAWAL na ang mga usisero sa police lines matapos na aprubahan ni Manila Mayor Alfredo Lim ang City Ordinance No. 8247. Ito ay kaugnay sa naganap na madugong August 23 hostage-taking sa Qurino Grandstand noong 2010.

Ang naturang panukala ay inihain ni Manila Second District Councilor Rodolfo Lacsamana matapos ang naganap na hostage taking sa Luneta.

Nakapaloob sa naturang ordinansa na ang mga usisero na lalabag dito ay makukulong ng 15 araw at pagbabayarin ng P5,000.

“The breach of the police line is a clear and embarrassing indictment of our inability and ineptitude to impose discipline and maintain law and order in times of crisis,” Lim said.

“What if they got hurt? The police lines were set up for a reason, and they have to respect the yellow police line,” dagdag pa nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply