Valerie Concepcion mas tutok sa basketbolista kaysa sa karir

MARAMI na rin naman ang nagtatanong hinggil sa showbiz career ng sexy young actress na si Valerie Concepcion. Tila wala yatang ingay sa ngayon ang kanyang kampo? Nitong nakaraang Star Ball Magic ay maraming ginulat si Valerie nang karay-karay niya ang kanyang basketball cager boypren na si Dondon Hontiveros ng Petron Blazers. Not everybody knows na tatlong taon na pala ang kanilang relasyon bilang magsyota.

Sa takbo ng pangyayari, tila successful ang personal life ni Valerie ngayon kumpara sa kanyang showbiz career na nananahimik. Sa isang panayam sa aktres, masayang  sinabi nito na kahit ilang taon na rin sila ng boypren ay para pa rin daw nasa stage sila ng getting to know each other. As in happy silang dalawa pag magkasama na hindi naman daw nangyayari na madalas. Mas enjoy na raw si Valerie sa ganitong set-up sa relasyon kasi mas feel na feel naman ng actress ang company ng boypren pag kasama ito.

Tulad ni Valerie, single parent din si Dondon na may isang lalakeng anak, samantalang girl naman ang kay Valerie kung kaya naging compatible sila sa pagiging single parent.

***

KAMAKAILAN lamang ay ipinagdiwang ng Ultimate Singing Champion na si Rachelle Ann Go ang kanyang kaarawan, and that time ay wala na sila ng former boypren na si John Prats. Sa isang pagkakataon ay natanong ang magaling na young Kapamilya actor kung binati ba naman niya ang ex-girlpren nitong nakaraang kaarawaan, dedma lang si John at pilit na umiiwas na pag-usapan pa si Rachelle Ann Go.

Feeling tuloy ng mga naroroon ay malalim talaga ang dahilan ng kanilang split up.

Pero nang si Bianca Manalo na ang topic ay muling nabuhayan ng dugo si John at game na game itong sumagot sa katanungan kung sila na nga ba ng beauty queen turned noontime show host? Madiing sinabi ni John na sa punto ngayon ay nasa stage pa raw sila ng knowing each other at nasa level pa lang ng magkaibigan ang kanilang relasyon. Magkagayunpaman, aminado si John na inspired na inspired siya sa twinang nakakasama si Bianca at hindi niya itinatago na ang kanyang pagkagusto sa dalaga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply