VAT sa toll pahirap sa bayan– CBCP

PAHIRAP sa bayan ang pagpapatupad ng 12-percent value added tax (VAT) sa toll sa South Luzon Expressway (SLEX) at North Luzon Expressway (NLEX) simula bukas (October 1).

Ito ang inihayag ni CBCP-Episcopal Commission on Bioethics Malolos Bishop Jose Oliveros, lalo pa’t sunod-sunod na kalamidad ang naganap sa bansa.

Ayon pa sa Obispo, walang ibang dapat na sumalo sa dagdag na buwis sa toll kundi ang kumpanyang namamahala dito dahil sila ang totoong kumikita at hindi ang taong bayan.

“Palagay ko onerous yan sa mga tao. Dapat ang magbubuwis hindi ang mga tao kundi ang kumpanyang namamahala sa expressway. Sila ang nakikinabang sa kita sa toll at bakit nila ipapasa sa tao.” pahayag ni Oliveros sa panayam ng church-run Radyo Veritas.

Hinamon din ni Bishop Oliveros na dapat patunayan ni Pangulong Benigno Aquino III ang pahayag nito na ang taumbayan ang kanyang “boss” sa pamamagitan nang hindi pagpapatupad ng naturang VAT.

Sinuportahan naman ni Balanga Bishop Ruperto Santos ang hamon ni Bishop Oliveros at iginiit pa na ang implementasyon ng VAT sa toll ay “anti-poor at anti-people.”

Umapela din ito sa Pangulo na pakinggan ang hinaing ng taumbayan at ipawalang-bisa ang naturang kautusan dahil ang Pangulo lamang ang siyang makapipigil dito lalo pa’t aprubado na ito ng Korte Suprema.

Hinimok rin nito si Pangulong Aquino na itaas na lang ang sahod ng mga manggagawa upang maibsan ang kanilang pasanin bunsod ng pagtaas ng pasahe kapag ipinatupad na ang VAT sa toll.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply