VAT sa toll pipigilan

GUMAWA ng Senate Resolution 602 ang tinaguriang Wednesday Group ng Senado na kinabibilangan nila Senador Ralph Recto, Joker Arroyo, Manuel Villar noong nakaraang plenary session sa Senado noong Martes. Ito ay para sa pagpapaliban ng pagpataw ng Value Added Tax (VAT) sa mga expressways. Ito ay sinuportahan ng walo pang mga senador kabilang sila Senate President Juan Ponce Enrile, Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada, Majority Leader Vicente Sotto III, Senador Loren Legarda, Francis Escudero, Gregorio Honasan, Antonio Trillanes IV at Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Enrile, suportado niya ito dahil sa kasalukuyan ay marami nang pasakit sa mga mamamayan tulad ng pagtaas ng mga produktong petrolyo at iba pa at marami pang lalong mahihirapan kung dadagdag pa ang VAT sa mga expressways. Dagdag pa niya, kailangang handa ang pamahalaan na i-subsidize ang mga public services para sa kapakanan ng mga mahihirap.

May nabalitaan ako na pagdating daw ni PNOY galing sa Estados Unidos ay kanyang gagawin ang lahat para mapigilan ang VAT sa toll fees.

Matatandaang nakatakda sa Oktubre 1 ang pagtaas ng toll fees ng mga expressway. May magagawa pa nga ba ang ating pamahalaan?

* * *

SA Lunes ay darating sa ating bansa ang batikang Formula 1 driver na si David Coulthard. Ang British driver ay paparito para sa paglulunsad ng relos na TW Steel David Coulthard Edition na gaganapin sa Resorts World sa Pasay City. Nagretiro si Coulthard pagkatapos ng 2008 Formula 1 Season kung saan siya ay nagmaneho para sa koponan ng Red Bull Racing

* * *

Iniimbitahan ko po kayong makinig sa inyong lingkod tuwing Martes at Huwebes, 2:00 p.m. para sa INSIDE MOTORING RADIO sa DZRJ 810 AM. Inaanyayahan ko din kayong tangkilikin ang mga programang STOPLIGHT TV at INSIDE MOTORING TV na mapapanood sa PINOY EXTREME CHANNEL sa buong kapuluan at sa ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) Global sa ibang parte ng mundo. Sa kalakhang Maynila, ang Pinoy Extreme ay nasa Destiny cable ch. 83, Cablelink ch. 33 and G-Sat ch. 7. Mapapanood rin ito sa iba’t ibang mga cable operator nationwide.

Kung may mga katanungan hinggil sa mga isyung motoring, motorsports at transportasyon, wag mag-atubili na makibahagi sa www.facebook.com/Inside Motoring o di kaya’y magtext sa 0918-4479006. Salamat po!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply