Vice Ganda sobrang minaliit ang Wonder Gays!

SOBRANG nasaktan at napaiyak ang mga baklush na Wonder Gays sa mga patutsada, panglalait at pagtataray ni Vice Ganda. Sa Twitter account ng nasambit na komedyante at mukhang bakulaw na si Vice, sinabi raw nitong, “Sino sila at hindi ko sila kilala at lalong hindi ko sila ka-level!”

Sinabi pa raw ni Vice Ganda na kahit kailan daw ay hindi maabot ng mga alaga ni Mother Lito ang kasikatang tinatamasa nito sa ngayon.

Matatandaang sa press-kit ng nagdaang presscon ng grupong ito ay nakasaad doon na gustong makasama o maka-one-on-one nila sa isang show at concert si Vice Ganda dahil ang ilan sa mga miyembro at mga baklush na Wonder Gays ay idol ang turing nila sa alaga ni Ogie Diaz.

Sa Totoo lang, hindi maganda sa image ni Vice Ganda ang nagtataray lalo’t image model pa naman ito ng Globe telecom. Dahil dito’y magpapalit na ngayon ng kanilang sim card ang Wonder Gays at sa halip na Globe, ang gamit nila ngayon ay Smart na. Kahit yung mga fans ng Wonder Gays sa radio program ni Tita Swarding every Sunday sa DZRH ay nagpahayag din ng suporta sa labang ito ng mga Wonder Gays kay Vice Ganda kaya siguradong magpapalit na rin sila ng mga sim cards at itatapon na lang daw nila ang kanilang mga Globe sim card.

Isa pa sa mga nagpuputak ngayon kay vice Ganda sa ginawa nitong pangmamaliit sa Wonder Gays ay ang kontrobersyal na talent manager na si Lito de Guzman.

Ayon kay mother Lito na manager ng mga Wonder Gays, matapobre at mayabang daw si Vice. Akala mo raw kung sinong magsalita gayong galing din naman ito sa ibaba.

“May album ba siya?” muling hirit at pagtatalak ni De Guzman dito kay Vice Ganda.

Sa totoo lang, sa ginawang pagtataray na ‘to ni Vice at panglalait sa Wonder Gays,  hindi siya ang panalo rito dahil sa ngayon palang, lalong dumami ang bumibili ng album ng grupo sa mga record bars kung saan ang carrier single ay ang mega-hit na Blind Item. At any rate, kahit na sobrang nasaktan ang grupo sa mga panlalait at patutsada ni Vice Ganda sa Twitter account nito, nakatulong pa rin sa isang banda si Vice dahil pinag-uusapan na ngayon ang Wonder Gays.

Teka lang, bakit parang ang daming kaaway ngayon ni Vice Ganda? Sobrang yumabang na nga ba talaga ang alagang ito ni Ogie Diaz?

***

Ate Guy lalong ganado sa pagtatrabaho buhat nang dumating si John Rendez

ISANG gabi ay napagtrip-an naming i-text ang publicist ni Ate Guy na si Pilar Mateo para tanungin kung ano na ang latest sa idol naming si Nora Aunor.

Ayon kay Pilar, sobrang busy raw ang nag-iisang Superstar sa taping ng “Sa Ngalan Ng Ina “ na ipinapalabas sa Tv5. Kapansin-pansin daw ang sobrang pagiging ganado ni Mama Guy na magtrabaho buhat nang dumating na sa Pinas ang matalik nitong ‘kaibigang’ si John Rendez. At kung hindi kami nagkakamali, may isa pang proyektong gagawin si Ate Guy, ito yung pelikula sa Regal films na iniaalok sa Superstar ni Mother Lily Monteverde.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply