Vice mayor ng Isabela sangkot sa illegal logging

NAHAHARAP ngayon sa “hot water” ang vice mayor ng Isabela makaraang makumpiska sa kanyang bakuran ang iba’t ibang uri ng tinabas na kahoy sa Barangay District 2 sa lalawigan ng Benito Saliven.

Batay sa ulat ni Police Provincial Chief Jimmy Rivera Sr., ang kaso ni Vice Mayor Roberto Lungan ay nag-ugat sa nakumpiska 1,800-board foot na narra na nasa loob ng kanyang bakuran.

Si Lungan ay kilala sa kanilang lugar bilang wood lumber dealer at inaakusahan na sangkot sa sindikato ng illegal logger sa naturang lalawigan.

Samantala, hindi nagpaunlak ng kanyang statement ang opisyal na sinasabing tumakas umano sa kanyang bahay upang hindi maaresto ng awtoridad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply