Videoke bar hinagisan ng granada; 5 patay, 7 sugatan

NAMATAY ang lima katao at nasugatan naman ang pito pa matapos hagisan ng granada ang isang videoke bar sa Barangay San Isidro, La Paz, Tarlac.

Ang mga nasawi ay sina Rebecca Pineda, Edwin Bernardo, Maria Theresa Labagala, Ronaldson Abello at isang nagngangalang Kim habang nasugatan naman ang mga kostomer, tambay at mga manggagawa sa naturang bar kung saan dalawa sa mga nasugatan ay mga menor de edad.

Ang mga hindi nakilalang suspek ay lulan umano ng isang motorsiklo at pansamatalang tumigil lamang sa tapat ng bar at inihagis ang granada. Nawasak ang buong lugar dahil sa lakas ng pagsabog.

Patuloy naman inaalam ng pulisya ang motibo ng pagpapasabog.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply