Viewers natuwa sa patikim na digital TV broadcast

UMIGTING ang kagustuhan ng mga manonood na magkaroon ng digital TV broadcast sa bansa matapos ang pagsasagawa ng test broadcast sa digital terrestrial TV (DTT) standard na Integrated Services Digital Broadcast-Terrestrial (ISDB-T).

Ang mga broadcast networks na nagsagawa na ng nasabing digital test broadcast ay kinabibilangan ng ABS-CBN, IBC-5, Net 25, Gem TV at government station National Broadcasting Network (NBN).

Ang mga pinili ng ABS-CBN na D-E households o mahihirap na kabahayan sa Barangay Calulut, San Fernando, Pampanga at mga bayan sa San Miguel, San Ildefonso at San Rafael sa Bulacan ay nagtala ng pagtaas ng kagustuhan na magkaroon na ng digital TV broadcast.

Mula 44 na porsiyento ay tumaas sa 56 porsiyento ang may kagustuhan para magkaroon ng digital TV broadcast service matapos maranasan ng dalawang linggong test broadcast ng ABS-CBN.

Ang pinakamalakas na dahilan kung bakit nagustuhan nila ang digital TV broadcast ay ang pagkakaroon ng mas maraming pagpipiliang mga bagong channels at ang pagganda ng reception.

Ang pag-eenjoy sa mga benepisyo ng digital broadcast sa presyong abot-kaya ay nabanggit din na pangunahing konsiderasyon.

Ang digibox ng Japanese DTT standard na ISDB-T ay mas mura sa inisyal na presyo nitong P2,500. Ang Digital Video Broadcasting-Terrestrial (DVB-T) naman na galing Europa ay mas mahal ng 60 porsiyento base sa FOB price.

Ang mga test broadcast respondents ay nagbigay ng feedback tulad ng: “May pambihirang dating ang signal nya. Ang linaw-linaw lahat ng channel. Hindi nawawalan ng signal kahit umuulan, malakas ang hangin o bumabagyo.”

Sabi pa ng iba: “Dati kaunti lang ang mapapanood at pagdating ng hatinggabi wala ng programa. Sa digital TV, 24 oras and mga programa at may mga dagdag na channels pa na katumbas na halos ng cable channels. Napakalinaw pa ng picture at ng sound.”

Ang Net 25 at GEM TV ng Iglesia ni Kristo ay nag-digital broadcast na rin gamit ang Japanese standard mula pa nuong 2008 at wala naman daw naging problema sa digital transmission.

Ngayong buwan, inirekomeda muli ng National Telecommunications Commission (NTC) na ang Pilipinas ay magroll out ng digital TV broadcast sa ISDB-T, samantalang  ang mga manonood ay nasasabik na rin na matuloy na ang nabibimbing digital TV broadcast service. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply