Villa, sa LWUA board lang, hindi chairman –Valte

NILINAW ng Malakanyang na itinalaga si dating DAR Sec. Rene Villa bilang miyembro ng board of trustees ng Local Water Utilities Administration (LWUA) at hindi bilang chairman.

Ani Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, papalitan ni Villa si Prospero Pichay na una nang tinanggal ng Ombudsman.

Ayon kay Valte, ang chairman ay pagbobotohan pa ng board at wala pa silang ideya kung may “letter of desire” ang Pangulong Benigno Aquino III na maging chairman si Villa.

Kasabay nito, nilinaw naman ni Valte na walang nag-lobby kaya na-delay ang announcement ni Villa kahit August 24 pa pinirmahan ng Pangulo ang kanyang appointment.

Nauna na kasing inihayag ni Villa na noong Agosto 24 pa niya natanggap ang appointment subalit nitong nakaraang Lunes lamang nagsimula siyang umupo sa puwesto.

Ani Villa, hindi pa siya pormal na nanumpa sa Pangulong Noynoy Aquino subalit legal na ang kanyang pag-upo sa puwesto matapos manumpa sa isang huwes.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply