Villaruz una sa listahan para sa Sandigan

NANGUNGUNA sa listahan sa mga pinagpipilian para maging bagong Sandiganbayan Justice ang isa sa mga Anti Graft Court Justices na nag-convict sa dating Pangulong Joseph Estrada.

Si Associate Justice Francisco Villaruz, Jr.,  ikatlong miyembro ng special division na nag-convict kay Erap ang unanimous choice ng lahat ng walong miyembro ng Judicial Board Council (JBC)  matapos ang kanilang deliberasyon.

Si Villaruz, 68, na kasalukuyang chairman ng third divsiion ng Sandiganbayan ay pitong beses nang napasama sa shortlist ng SC nominees at apat na beses naman bilang presiding Justice ng Sandiganbayan.

Bukod kay Villaruz, kabilang sa listahan ang dalawang mahistrado na sina Associate Justices Efren de la Cruz at Alex Quiroz. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply