Vilma Santos nasasaktan kapag nasusuntok si Manny Pacquiao

NAGING matagumpay ang Alay Lakad ni Batangas Governor Vilma Santos kamakailan kung saan kasama niyang naglakad ang anak na si Luis Manzano, mga empleyado at staff ng munisipyo at iba pang supporters sa Batangas.

Nagtapos ang Alay Lakad sa Kapitolyo ng Batangas at doon nagkaroon ng programa na dinaluhan ni Congressman Manny Pacquiao, Ronnie Ricketts, Angelica Jones na medyo tumaba atbp (Ano’ng medyo, baboy na nga ‘yan e! – Ed).

Nag-donate si Pacman ng P200,000 sa foundation samantalang P50,000 naman ang ibinigay ni Luis Manzano.

Sa speech ni Pacman, sinabi nitong gusto raw niyang gawin sa Batangas ang kaniyang game show na “Manny Many Prizes” na ikinatuwa ng mga Batangueno at ni Gov Vilma.

Sinabi rin ni Pacman na kung si Juan Manuel Marquez na makakalaban niya sa Nov. 12 sa Las Vegas ay umiinom ng ihi bilang vitamin daw nito, siya naman ay umiinom ng malunggay with chicken (tinolang manok).

Walang ibinigay na detalye si Pacman kung anong round niya pababagsakin si Marquez. Gusto lang niyang ipakain sa kalaban ang mga pinagsasabi nito sa darating nilang laban.

Masayang-masaya naman si Gov Vi nang makatsikahan namin sa kanyang opisina dahil sa tagumpay na naman ang kaniyang Alay Lakad na dinaluhan pa ng Pambansang Kamao.

Hindi naitago ni Ate Vi ang paghanga kay Saranggani Congressman Manny dahil pinaunlakan nito ang kanyang paanyayang maging guest of honor.

Sinabi ni Ate Vi na tagahanga siya ni Manny at sa tuwing may laban ito ay nanonood siya talaga.

“Kapag nasasaktan si Manny sa laban, nasasaktan din ako. Kapag nakasusuntok siya ng malakas, napapasuntok din ako,” masayang tsika ni Gov Vi.

Dahil sa pagdalo ni Pacman sa proyekto ni Ate Vi, nangako ang Star For All Season na kung kailangan siya ng Pambansang Kamao sa Saranggani ay walang magiging problema.

Sa tanong naman kung puwede ba silang magsama sa pelikula ni Manny Pacquiao?

“Okey ako diyan, basta si Manny ang magpo-produce, “ sabay tawa ni Gov Vi.

***

HINDI na nagpaliguy-ligoy pa si Luis Manzano nang tsikahin namin sa Kapitolyo ng Batangas na susundan niya ang yapak ng ina na si Gov. Vilma Santos.

“If ever na pasukin ko na rin ang pulitika, dito sa Batangas ako lalaban para maipagpatuloy ko ang nasimulan ng magulang ko. Pero hindi pa ngayon.

Kailangan kasi ng masusing paghahanda kapag pumasok ka na sa politics,” pag-amin ni Luis.

Asked about his purported relationship with Jennylyn Mercado, ito ang cool na kasagutan ni Papa Luis.

“Jen and I are dating. Yes, super close kami pero wala pa kaming relasyon. Masaya kami kapag magkasama pero talagang wala pa kaming relasyon,” pagdidiin ni Luis.

More than MU daw ang relasyon nila ni Jen pero walang commitment na masasabing sila na talaga.

Close din si Luis sa anak ni Jen kay Patrick Garcia at madalas raw silang naglalaro kapag nasa bahay siya ng actress.

Itinanggi ni Luis na pamasak-butas lang niya si Jen sa paghihiwalay nila ni Angel Locsin.

“No! not true na pamasak butas si Jen. Tulad nang sinabi ko, wala kaming relasyon ni Jen. Paano siya masasabing pamasak butas, hindi pa naman kami mag-on?” pagdidiin ni Luis.

***

DAHIL sa patuloy na papuri kay Roderick Paulate sa kanyang performance sa “Munting Heredera” ng GMA-7, sa unang dalawang Sabado ng September, pangungunahan niya ang susunod na horror-comedy feature ng Spooky Nights ng GMA 7, ang “Munting Mahadera.”

Magpapatawa at mananakot naman si Dick bilang isang closet gay na si Rody sa Munting Mahadera na spoof sa naturang drama series.

Itatago ni Dick ang pagiging homosexual sa magulang at kambal na anak na gagampanan ng malditang bata na si Calila sa Munting Heredera at si Luz Valdez naman ang lalabas niyang ina.

Title pa lang ay nakatatawa na, ano pa sa aktuwal na eksena na nagsimula nang mapanood last Saturday pagkatapos ng “Manny Many Prizes” sa GMA 7.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply