Vintage bomb natagpuan ng mga mangingisda

NATAGPUAN ng mga mangingisda ngayong araw ang isang vintage bomb sa karagadatan sa may bahagi ng Masinloc, Zambales.

Hinihinalang isang torpedo ang nakitang bomba na nakahimlay sa tubig at tinatayang noong panahon pa ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ayon sa mga kinauukulan, may banta pang sumabog ang nasabing bomba dahil sa ito ay may mitsa pa.

Samantala, inuna naman ng mga mangingisda ang kanilang kaligtasan at hindi na inisip na pagkakitaan pa ang nasabing bomba at agad na isinurender sa awtoridad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply