Viper Motorcycles handa na para sa pandaigdigang merkado

ALABAMA, USA—Kamakailan lamang ay inanunsyo ng Viper Motorcycle Company na handa na silang ilunsad sa world market ang pinakapipitagang American brand ng motorsiklo.

Ayon sa vice president for Marketing and Racing Operations ng Viper Motorcycles na si Colbert Seagraves, ang kompanyang Absolute Investments ang magiging 2012 Platinum Overseas Distributor ng Viper Diamondback sa Middle East at India dahil sa dami ng kanilang showroom sa mga nasabing rehiyon. Ang Absolute Investments ay may opisina sa Kuwait, Italy, Russia at India, at dahil na rin sa malawakang presensya ng kompanya, naaayon lang na maging kaakibat sila ng VMC sa pagpapalawig ng kanilang market.

Hindi lamang ito isang business partnership kundi isang shared passion. Inihalintulad ng Absolute Investments CEO na si Don Hoffman ang pakiramdam ng pagsakay sa isang Diamondback sa pakiramdam nang una nyang makilala ang kanyang asawa. “Its’ the real deal,” ika nga niya.

Ang 2011 Diamondback Viper ang ikatlong henerasyon ng Super Cruiser Viper motorcycles. Gaya ng mga naunang modelo ng Super Cruiser series, ang  tanyag na makinang 152 cubic inch, llmor-Viper V-twin rin ang gamit ng 2011 Diamondback.

Walong taon ang iginugol ng Viper Powersports at Ilmor Engineering sa pagbuo ng 2011 Diamondback Viper na sinasabing pinakamabilis na V-twin motorcycle sa mundo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply