Walang bakanteng posisyon sa ARMM — Lagman

BUNSOD ng kautusan ng Korte Suprema na hindi payagang mag-appoint si Pangulong Aquino ng Officers-in-Charge (OICs) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), nangangahulugan lamang na walang bakanteng posisyon sa ARMM para sa pagka-gobernador, bise-gobernador at miyembro ng regional assembly na  magtatapos ang termino sa Setyembre 30, 2011.

Ito ang pagdedeklara ni Minority Leader at Albay Representative Edcel C. Lagman, principal petitioner sa Supreme Court sa pagkakansela sa August 8, 2011 ARMM election at pagbibigay ng awtorisasyon sa Presidente sa pag-appoint ng OICs.

Sinabi ni Lagman na ang kasalukuyang batas ng ARMM partikular na sa R.A. No. 9054 o Expanded Organic Act of 2001, na nagbibigay ng karapatang manatili sa kanilang posisyon ang mga nasa puwesto hanggang wala pa silang kapalit na ibinoto at kwalipikado.

Ibig sabihin nito aniya ay ang maging implementasyonn ng hold-over provison sa ARMM ay valid, legal and constitutional.

Ipinunto rin ng Minority Leader na ang terms of office ng ARMM regional officials ay fixed sa constitution ng Organic Act of 1989.

Ang ARMM aniya ay itinatag na lamang ng Congress na base sa kautusan ng batas na nagbibigay ng karapatan ng Kongreso sa pagbuo ng ARMM government kabilang na ang terms of office sa bawat principal regional officials.

Hindi rin aniya maituturing na local officials ang mga ARMM officials dahil sila ay regional officials ng mas mataas na antas upang ma-enjoy ang awtonomiya.

Iginiit din ni Lagman na ang kapangyarihan ng Pangulo sa pag-appoint ay limitado lamang para sa appointive officials at hindi nito sakop ang pag-appoint sa mga elective positions tulad ng regional officials ng ARMM na nasa ilalim ng“elective and representative of the constituent political units.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply