Walang datung, car painter nagbigti sa Kyusi

NAGBIGTI ang isang lalaki makaraang hindi makayanan ang problema sa pera sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Arnel Abriu, 47, car painter, ng 4 Chino St. Area 9-A Luzon Avenue, Pasong Tamo, QC.

Sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD), naganap ang insidente sa pagitan ng 10:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon sa bahay mismo ng biktima sa 4 Chico St, Area 9-A Luzon Avenue, Pasong Tamo, QC.

Sinabi sa ulat ng pulisya, nakita ang katawan ng biktima ng  panganay niyang anak na si Daniela na nakalambitin sa kisame ng kanilang banyo kaya agad niyang sinabihan ang kanyang tiyuhin sa pagpapatiwakal ng ama.

Ayon sa kapatid ng biktima, bago nangyari ang pagpapatiwakal ay naikwento pa ng biktima ang kagustuhan nito na makauwi sa kanilang probinsya sa Leyte para madalaw ang anak na may sakit.
Subalit sa kakapusan ng pera hindi na ito makabili ng ticket pauwi dahilan para magpatiwakal ito.

Isinasailalim sa awtopsiya ang bangkay ng biktima para mabatid  kung may foul play sa pagpapatiwakal nito. With Gherma Lyn Puntilon/Jonalyn Pelobello

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply